Miyerkules, Mayo 2, 2012

Edukasyon Para sa Pag-unlad

      Sa paggising mula sa kama, pumasok sa eskwela, sa pagpasok ko sa pintuan, ako'y napatingin sa labasan. Napaisip ako ng ng bigla, "Ano ba ang katuturan ng pagpasok ko sa eskwela?"

      Ang sarap isipin na "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" hindi ba? Pero masakit isipin na ang kabataan waring tumatakbo sa kaalaman. Nariyan ang ayaw pumasok sa eskwela, nakatambay lamang ng basta, at ang iba nga'y nalululong pa sa droga. Huwag nating basta na lang ipagpasawalang bahala ang bawat ating ginagawa, dahil ang bawat kilos na ito, kakambal ay pagsisisi na hindi na natin mababalikan pang muli.

      Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay na pag-unlad, pag-unlad para sa ating sarili at pag-unlad na sa ating baya'y nakatali. Naaalala ko pa ng mapanood ko sa telebisyon ang isang balitang nakapanliit sa bayan natin, na ang "Pilipina" sa diksyonaryo ng ibang bansa'y "Domestik Helper" ang ibig sabihin. Hindi ko alam pero para sa aki'y ang hirap nitong lunukin. Ang sa akin, bakit tayo nagpapa- api sa iba lalo na't hindi natin kalahi? Bakit natin ito ipagsasa- walang bahala? Ipakita natin na kaya natin. Na kaya nating umangat sa sarili nating mga paa.
   
      Kumilos tayo! Tayo ang kabataan ngayon at sa atin nakasalalay ang pagdadala sa Inang Bayan sa tugatog ng kasaganaan. Lagi nating tatandaan, ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya. At tandaan ninyo, kapag tayo, mga kabataan, umastang waring sanggol sa Siyam na bwan, tiyak, buhay mo at ng lipunan, sa rehas na bakal ang hantungan.

                                                                               


no copyright infringement intended





18 komento:

  1. hi ate pwede ko po ba magamit ito para sa aking talumpati??

    TumugonBurahin
  2. pahiram po... salamat ate... GOD BLESS

    TumugonBurahin
  3. good day.. nabasa ko ang iyong talumpati patungkol sa edukasyon at nagustuhan ko ang iyong mga ideya at pahayg dito. humihingi ako ng pagtugot mula sayo na gamitin ang iyong talumpati sa aming klase. umaasa sa iyong magandang tugon. salamat. pagpalain ka nawa ng Diyos.

    TumugonBurahin
  4. pahiram din po ng talumpati mo ate.. God Bless always.. Salamat.. :-)

    TumugonBurahin
  5. ate paggamit po ito para sa talumpati namin thanks

    TumugonBurahin
  6. pwede ko po bang magamit ang iyong talumpati para sa aking takdang aralin ?

    TumugonBurahin
  7. Hi po. Pahiram din po ako nito para sa aming talumpatian. THANK YOU PO! :)

    TumugonBurahin
  8. Hi po, hihiram po ako ng talumpati mo, para po sa talumpati namin,Thank you po :)

    -Matthieu

    TumugonBurahin
  9. Pahiram din po Para sa aking Takdang Aralin maraming salamat

    TumugonBurahin
  10. Hi po. Pwede ko po ba ito mahiram para lang po sa Midterm ko?

    TumugonBurahin
  11. Hi po. Pede pong pahiram ng talumpati? Thank you po

    TumugonBurahin